Sunday, October 9, 2016

Endangered Species In The Philippines

Ako, bilang mamamayan ng bansang Pilipinas, nangangamba ako sa unti-unting pagkaubos ng lahi ng ating native animals.

Bakit nga ba kumakaunti ang bilang ng nga hayop na ito? Naririto ang mga dahilan: Una, ang illegal na pagputol ng mga puno sa kagubatan na nakaaapekto sa kawalan ng tirahan ng nga hayop. Pangalawa, ay ang illegal na paghuli ng mga mangangaso sa nga hayop na ito upang pagkakitaan. At ang huli at ang illegal na pag-aalaga ng mga ito sa halip na hayaan sila sa kanilang Natural Habitat.

Anu-ano bang nga hayop ang nanganganib nang maubos dito sa Pilipinas?

Sa Vulnerable Species  nariyan ang Philippine eagle-owl (Bubo philippensis), Green humphead parrotfish (Bolbometopon muricatum), Philippine flying lemur (Cynocephalus volans), Philippine flat-headed frog (Barbourula busuangensis), Binturong (Arctictis binturong), Philippine hawk-eagle (Nisaetus philippensis), Whale shark (Rhincodon typus) at Philippine deer (Rusa marianna)

At sa Endangered nariyan ang Philippine spotted deer (Rusa alfredi), Green turtle (Chelonia mydas), Tarictic hornbill (Penelopides panini), Blue-winged racquet-tail (Prioniturus verticalis) at Palawan horned frog (Megophrys ligayae).

Anong magagawa natin bilang mamamayan upang hindi maubos and iniingatan nating kayamanan ng bansa? Sana'y magkaisa tayo sa layunin na panatilihin ang nga hayop na ito.

Bilang mga Pilipino, pangalagaan natin ang ating bansa at ang mga naninirahan rito, mapahalaman man , hayop o kapwa natin tao.

No comments:

Post a Comment